Menu List
Elsewhere
Heaven Kapuso would like to thank:
CBox
Yahoo!
Google
Wikipedia
Blogger
iGMA.tv
Philstar
Abante Tonite
Abante Online
Journal News
Credits
 Title: Kapuso Blog
 Moderator: Heaven Kapuso 
 Host: Blogger.com
 Created: January 2006
 Visitors: 
 Status: User(s) Online
Kapuso Blog
Chat Box
KAPUSO ANO MANG KULAY NG BUHAY
 Monday, August 28, 2006

Mark, wala pang kapalit sa puso ni Jennylyn

  


Parang naawa kami kay Jennylyn Mercado nu’ng huling presscon nila ni Mark Herras para sa Eternity.
Bukod sa late siyang dumating ay parang wala siyang ka-energy-energy at malat pa ang boses nang magsalita sa mikropono para sagutin ang tanong ng press.
Galing pa kasi siya sa isang mall show sa SM Dasmariñas at napaos siya sa dami ng kinanta niya.
Madalas siyang nagkakasakit dahil parang wala na siyang pahinga pero pag walang trabaho ay bumabawi ng tulog si Jen.
Sanay na siya sa ‘patayan’ na schedule pero panay ang take niya ng vitamins para lumakas at kahit paano ay makabawi. Buti na rin daw at medyo tumataba siya ngayon dahil ganado siyang kumain.
Wala silang love scene ni Mark sa Eternity gaya nina Iza Calzado at Dingdong Dantes pero meron silang kissing scene.
Ayon kay Jen, kahit wala na silang relasyon ay wala pa ring nagbago sa kanila ni Mark pagdating sa trabaho.
Parang ganu’n pa rin daw ang napi-feel niya pag nagki-kiss sila ni Mark at tulad ng binata ay nami-miss din niya ang maganda nilang samahan noon.
Aniya, hindi niya nilalagyan ng tuldok ang posibilidad na magkabalikan sila ng ex-boyfriend.
Dayalog ni Jen, wala pang kapalit si Mark sa puso niya at wala pa siyang nakikitang iba. Dagdag niya pa, sakaling mare-reincarnate siya ay pipiliin niya pa ring mahalin si Mark kahit ganu’n ang nangyari sa kanilang relasyon.
Nag-smile lang si Jen nang intrigahin namin kung hindi ba siya nagtampo na hindi man lang siya dinalaw ni Mark nang maospital siya kamakailan samantalang si Patrick Garcia ay buong tiyagang nagbantay sa kanya.
Iniintindi na lang daw niya si Mark dahil baka marami itong ginagawa. Nagpunta naman daw ang Daddy Jun ni Mark bilang proxy, so okey na ‘yon.
Isa pa ay dinalaw siya ng friends niyang sina Yasmien Kurdi, Jake Cuenca at mga kapatid sa GMA Artist Center kaya ayaw nang mag-emote ni Jennylyn.



SOURCE: Article by Allan Diones of Abante Tonite

   posted by Heaven @ 8/28/2006 05:58:00 PM 0 comments   links to this post



Robin, inalok ng kasal si Regine?

  


Muntik na kaming naligaw nang pumunta kami sa bahay ni Robin Padilla sa Maples St., West Fairview nu’ng Biyernes dahil ibang-iba na ang itsura ng bahay niya.
Ayon kay Robin, malapit na niyang iwan ang bahay na iyun dahil gagawin na itong eskuwelahan ng mga kapatid niyang Muslim.
Binili rin niya ang katabing lupa para i-extend ang pagpapatayo dahil gusto niyang kumpleto ang facilities ng eskwelahan.
Mula kindergarten hanggang grade two lang muna ang pwedeng mag-aral doon at para lamang sa mga babaeng kabataan ang eskwelahang iyun.
Kailangan niyang umalis sa bahay na iyun kapag magsisimula na ito sa susunod na taon dahil magiging pambabae na ang lugar na iyun.
Sagot lahat ng aktor ang gastos sa eskwelahang iyun mula sa mga gamit, hanggang mga pagkain at school bus ng mga batang mag-aaral.
Todo-kayod siya ngayon para may sapat na pera siyang magagamit sa project niyang iyun.
Naintindihan daw ng asawa niyang si Liezel ang focus niya ngayon kaya sagot daw muna ng asawa niya ang pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Gusto ni Liezel na matupad ang matagal nang pangarap ni Robin na makapagpatayo ng munting eskuwelahan para sa kanyang mga kapatid na Muslim.
Kapag maayos na ito lahat, pwede na raw siyang magpahinga sa pag-aartista at babalik na raw siya ng Australia para makapiling niya ang kanyang pamilya.
Marami pang mga revelations si Robin Padilla sa Startalk na mapapanood sa Sabado.
Totoo kayang inalok niya ng kasal si Regine Velasquez pero tumanggi ang huli?



SOURCE: Article by Abu Tilamzik of Abante Tonite

   posted by Heaven @ 8/28/2006 05:54:00 PM 0 comments   links to this post

 Saturday, July 15, 2006

Ethel Booba Makapasok kaya sa Dos?

  


Kung totoo mang nagpapadala na ng feelers si Ethel Booba sa Channel 2 na available siya, matapos na masibak ang lahat ng kanyang tv shows sa Channel 7, aba eh kailangang mag-isip muna siya ng husto. Una, hindi naman siya pina-pirate ng Channel 2. Nawalan siya ng show sa Channel 7 dahil wala naman kasing ratings ang mga show niya eh. Kaya kung ngayon siya lilipat sa Channel 2, hindi siya makakapag-demand. Ikalawa, dapat alalahanin niya kung ano ang naging kapalaran nina Long Mejia, Dagul, Arnel Ignacio at iba pang talents na lumipat sa Channel 2. Ikatlo, hindi kaya mas tamang magbakasyon muna si Booba hanggang sa malimutan ng mga tao ang iskandalong nangyari sa kanyang buhay at magsimula siya ng panibago kung ok na ang lahat?

SOURCE: Article by Ed De Leon of Philstar

   posted by Heaven @ 7/15/2006 09:31:00 PM 0 comments   links to this post

 Tuesday, July 04, 2006

Robin, Kapuso Na????

  

Isa sa mga pinaka-bagong talent acquisition ng GMA7 si Robin Padilla. Kamakailan ay pumirma na ito ng 2 movie at TV contract sa Siete. Bilang first project nito sa GMA ay gagawa ito ng isang action/love/drama movie katambal ng isa sa prized talents ng GMA na si Regine Velasquez, sa direksyon ni Mark Reyes.

Sa TV naman ay pinagkatiwalaan siya ng isang soap katambal si Angel Locsin.

Bagaman at may mga nagsasabing sumesemplang na ang career ng action star, sinabi ng taga-GMA na ang palabas nito sa TV, ang Basta’t Kasama Kita kapareha ni Judy Ann Santos ay isa sa pinaka-malakas na ginawang serye ng ABS CBN. Hindi rin pinabulaanan ng GMA ang balitang nilapitan sila ni Annabelle Rama para sana ay huwag nang lumabas ang balita tungkol sa paghahabol sa kanila ng BIR pero, hindi nila ito napagbigyan sapagkat isa yung balita na kinakailangang malaman ng publiko at ang request nito ay huli na sapagkat lumabas na ito sa mga balita. Di raw naman nagalit ang matriarka ng mga Gutierrezes kundi na-upset lamang. Samantala, masayang maipagdiriwang ng GMA ang pagsapit ng kanilang ika-56 na taon, dahil pangunahin pa rin silang TV Network ng bansa, most awarded TV station pa rin sila na ang latest na recognition ay nakuha nila sa Rotary Club of Manila bilang TV Station of the Year .

Nauna na rito ang Terrestrial Channel of the Year Award mula sa Asian TV Awards 2005. Ipinagmamalaki pa rin ng GMA ang pangyayaring ang QTV11 ay nagsisimula nang kumita. Number three TV station na ito kasunod ang ABSCBN 2 at unti-unti nang lumilinaw ang reception nito sa maraming areas. Mahigit sa 200,000 Pinoy ang magiging bahagi ng GMA Pinoy TV sa taong ito. Tina-target ng GMA na mailunsad ang Pinoy TV sa US East Coast via cable Canada, UK, Australia at Italy. Sa kasalukuyan, napapanood na ito sa US, Japan, Guam, Saipan, Malaysia at Middle East. Pinaka-abalang promoter at endorser ng Pinoy TV ngayon ay ang Master Showman na si German Kuya Germs Moreno na halos nasa abroad na palagi sapagkat siya ang hinihiling na makita ng mga Pinoy sa abroad.

SOURCE: Article by Veronica Samio of Philstar

   posted by Heaven @ 7/04/2006 02:04:00 PM 1 comments   links to this post

 Monday, June 26, 2006

Gerald and Jonalyn sa "I Luv New York"

  

Ibang talento naman ang ipakikita ng Pinoy Pop Superstar Grand Champions na sina Jonalyn Viray at Gerald Santos at iba pang PPS Grand Finalists (tulad nina Michael Garcia at Charmaine Piamonte) sa I Luv NY ng GMA Network

Magpapakitang-gilas sa pag-arte sina Gerald at Jonalyn kasabay nina Jolina Magdangal & Marvin Agustin, at Jennylyn Mercado & Mark Herras.
Ngayong linggo, makikilala na ang pamilyang iniwan ni Polly (Jolina) sa Pilipinas. Si Gerald ang gaganap na Gerry, ang nakababatang kapatid ni Polly na labis na malapit sa kanya pero naghinanakit simula nang iwan niya sila para makipagsapalaran sa New York.
Makikilala na rin ang ina ni Polly, si Amelia (na gagampanan ni Tetchie Agbayani), at ang kapatid niya sa ama, si Jing (Tess Bomb).
Malalaman na kung bakit napili ni Polly na umalis sa bansa, at kung ano ang naging epekto nito sa pamilya niya. Si Polly kasi ang nagtuturo ng pagkanta at nagpapalakas ng loob kay Gerry, na kapwa niya mahilig at magaling umawit. May dalawang matalik na kaibigan si Gerry na mga tanging kakampi niya nang umalis si Polly. Pang-aapi kasi ang inaabot ni Gerry kay Jing.
Maintindihan kaya ni Gerry ang desisyon ng kapatid? Magkasama-sama pa kaya silang muli?

SOURCE: Article from Abante Tonite

   posted by Heaven @ 6/26/2006 11:18:00 PM 0 comments   links to this post



Saksi ng GMA7 hindi tatapatan ang Bandila ng ABS-CBN

  

Nagtanong kami sa taga-news department ng GMA-7 kundi ba nila aagahan ang Saksi dahil simula July 3, mas maaga na ang news program ng ABS-CBN.

Eksaktong 10:30 p.m. daw papasok si Korina Sanchez para mag-report ng mga balita sa Bandila. Kundi sasabay ang Ch. 7, bilasa na ang mga ihahatid na balita nina Vicky Morales at Arnold Clavio dahil madalas, 11:30 p.m. sila pumapasok at natatapos sila, madaling-araw na. Sabi ng kausap namin, as of last week, wala pang pagbabago ang programming ng Ch. 7 at sa ganoong late hour pa rin ang Saksi.

Naniniwala raw ang management na may viewers pa rin sila kahit marami ang nagrereklamong very late na ito. Sa pagbabago ng oras ng news program ng Ch. 2, ang The Big News na ng ABC 5 ang kanilang makakatapat.

SOURCE: Article by Nitz Miralles of Philstar

So ABS-CBN at ABC 5 na ang tapatan ngayun? heheheh

   posted by Heaven @ 6/26/2006 11:14:00 PM 0 comments   links to this post

 Sunday, June 25, 2006

Kapuso 56th na Tayo......

  

Happy 56th Anniversary to GMA7 Kapuso.
-
-
-
The Number 1 TV Network in the Philippines
-
-
-
Kapuso ako dahil ito ang nagbibigay saya sa akin.
-
-
Ikaw bakit ka KAPUSO?

   posted by Heaven @ 6/25/2006 09:35:00 PM 1 comments   links to this post

 Thursday, June 22, 2006

GMA7 waging wagi pa rin sa Ratings

  

Maraming dapat ikatuwa ang GMA Network ngayon dahil bukod sa nagdiriwang ito ng ika-56 nitong anibersaryo ngayong buwan, nananatili pa rin itong matatag sa pagiging #1 sa kabila ng iba’t ibang estratehiya ng competitor nito na mabawi ang trono.
Base sa ratings na nakuha sa Mega Manila TV Households data ng AGBNMR Philippines para sa Mayo 2006, lahat ng mga programang inilunsad ng GMA-7 ay naging top-raters.
Noong Mayo 1, nag-premiere sa GMA-7 ang dalawang malaking asianovela na Gokusen at Love of the Condor Heroes (LOCH).
Nagtala ng average rating para sa buwan ng Mayo ang Gokusen ng 20.5 laban sa Eternal Love (na kasabay nag-launch nang Mayo 1) na nakakuha ng 7.7.
Nang simulan ng ABS-CBN ang local soap nito na Calla Lily noong May 29, itinapat ito sa Gokusen. Laban sa Calla Lily na nag-average ng 10.9, panalo pa rin ang Gokusen sa rating nitong 20.1.
Ang LOCH ay consistent sa pagkapanalo kahit na tatlong programa ang itinapat dito ng ABS-CBN noong Mayo. Nakakuha ito ng 32.7 laban sa 28.4 ng Sa Piling Mo; 32.0 laban sa 26.4 ng PBB Teen Edition; at 33.0 laban sa 18.6 ng Panday.
Matagumpay rin ang Fantastikids (na-launch noong Mayo 6) sa itinala nitong 20.2 average laban sa 12.4 ng PBB Teen Special Update at 17.2 ng Komiks.
Ang replay ng Endless Love 1: Autumn in My Heart sa panghapon na timeslot simula Mayo 8 ay nakakuha ng 12.6 laban sa 9.3 ng Pasion de Amor ng ABS-CBN.
Nagtala rin ang Endless Love 1 ng 10.4 laban sa 5.0 ng Eternal Love nang ilipat ito ng ABS-CBN sa mas maagang timeslot sa pagpasok ng Calla Lily sa dati nitong oras.
Ang I Luv NY na nag-pilot noong Mayo 15 ay nakakuha ng 35.4 laban sa 21.9 ng PBB Teen Edition noong panahong magkatapat pa ang mga ito.
Nang ilunsad ng ABS-CBN ang koreanovelang My Girl noong Mayo 29, itinapat ito sa I Luv NY pero nakakuha lamang ng 19.6 ang Asian series laban sa 34.9 ng I Luv NY.
Ang pang-weekend na Cooking in the Palace na inilunsad noong Mayo 20 ay matagumpay sa rating na 16.8 laban sa 7.0 ng Wedding ng ABS-CBN.
Ang bagong soap opera ng ABS-CBN na Bituing Walang Ningning na nagsimulang umere noong Mayo 15 ay nagtala ng 26.9 laban sa mga huling linggo ng Extra Challenge ng GMA-7, na nakakuha ng 30.3.
Nang pumasok ang bagong telefantasya ng GMA-7 na Captain Barbell noong Mayo 29, nag-average ito ng 39.3 sa mga huling araw ng Mayo laban sa 24.3 ng Bituing Walang Ningning.
Maging ang iba pang mga ni-launch na programa ng Dos noong Mayo ay hindi nagawang matalo ang mga katapat nito sa Siyete:
Only You By Request (9.0) vs. House Husband (16.9); Wansapanataym (9.6) vs. Doraemon (17.6) at One Piece (17.9);
Kim Possible (3.2) vs. Medabots (8.1);
Relaunch ng OK Fine! Oh Yes! (10.5) vs. Jewel in the Palace (34.5) at Lagot Ka Isusumbong Kita (18.6).

SOURCE: Article by Alfie Lorenzo of Abante Tonite

   posted by Heaven @ 6/22/2006 09:44:00 AM 0 comments   links to this post

 Sunday, June 18, 2006

Jennylyn, Kilala na ang nananakot sa kanya

  


Alam na ni Jennylyn Mercado kung sino ang nanggulo o nanakot sa kanya through text.
Taga-Las Piñas ito at girlfriend ng dating nanligaw sa kanya. Never naging boyfriend ni Jennylyn ang syota ng sinasabing stalker.
Sa mismong babaeng nanggugulo nadiskubre ni Jennylyn ang pinapasukan nitong eskuwelehan sa bandang Las Piñas.
Umamin kay Jennylyn ang girl sa pinapasukan nitong eskuwelehan.
Nang sabihan ni Jennylyn ang babaeng ito na isusumbong siya sa principal ng eskuwelehan, ang sabi ng hitad ay hindi siya natatakot dahil kaibigan niya ang anak ng may-ari ng sinasabing eskuwelehan.
Siguro, nanahimik na ang babaeng ito nang mabuko ni Jennylyn.
Tigilan na sana ang intrigang pakana lamang ng manager ni Jennylyn ang usaping ito.
Syanga pala, bukod sa I Luv NY ay nakatakdang simulan nina Jennylyn at Mark Herras ang isang pelikula sa Regal Entertainment.

SOURCE: Article by Joe Barrameda of Abante Tonite

   posted by Heaven @ 6/18/2006 09:30:00 AM 0 comments   links to this post